Wednesday, November 16

puso ko'y nasasaktan

"puso huwag kang sumuko. hindi pa huli ang lahat. maaari pa maging kayo - maaaring maging tayo- sa atin dalawa ayokong bumitaw. hawakan mo ako ng mahigpit. sa ating dalawa wag mo akong piliting mawala. huwag. ayokong pang sumuko. turuan mo na lumaban ako. huwag kang sumuko puso"
lagi na lang akong
nasasaktan
sapagkat
hindi ko alam kung
talaga bang para kami

sa isa't isa
o ang lahat ay guniguni lamang.

marami na ring
pagkakataong nasisira
ang samahan

- ang magandang samahan -

sapagkat lagi na lang
nag-aalinglangan.
wala naman karapatan
para pagdudahan
ngunit hindi mapigilan

magdalawang isip
tumingin sa
iba't ibang mukha
ng senaryo.

hindi ko rin maipalagpas
ang aking pagmumuni muni
na sana ako na ang babaeng perpekto
para sa kanya - para sa iyo -

alam ko na mahal niya ako - mahal mo ko -
sapagkat
totoo ako sa sarili ko
ngunit tila unti-unting
nababahiran ang aking
tiwala sa sarili
ng mga salita
mga boses
nagsasabing
hindi nararapat
ang aming pag-ibig.

hindi ko rin malaman
kung talagang pag-ibig na
itong nadarama.
siguro ay tama sya..
pag-aaral muna
ngunit nawawalan ng saysay
ang bawat pagsikat ng araw
tuwing hindi ko sya naiisip.

tila hindi ko mapansin ang kagandahan
kapag hindi sya nakitang ngumiti..

bakit ba nagdadalamhati ang langit
kapag ninanais.
hindi ba makuntento
ang langit na binababoy
ng isang katauhan ang
perpektong likha ng panginoon.

siguro nagdadalamhati
ang langit sa lupa
sapagkat hindi nito
nadadanas ang
masaktan at ang masiyahan.

kahit unti-unting nasisira
ang lupa ay tanggap niya
ang mga pagkakamali ng mga nilalang
- tanggap niya ang kanyang kahinaan.

bakit ba ikaw ang langit?
bakit mo ba ako minamahal?
huwag ka ng lumuha sa aking harapan
sapagkat binibigyan mo ako ng pag-asa.
- pag-asang pumapatay sa akin -

ang pag-asang
nagsasabi na tayo pa rin

kahit ang ating mga labi ay hindi na maipagdidikit.
kahit ang ating mga mata ay hindi na tatanaw.
kahit ang ating mga kamay ay hindi na magtatagpo.
kahit ang ating mga sarili ay malapit na.. masira.
kahit hindi na mag-iisa ang ating mga diwa
- at ating pag-ibig -

nasasakal ako
hindi ko maisip na ikaw ang magiging kabiyak ko
hindi
hindi talaga tayo

tama na..
wag ka ng umiyak
lagi tayong magsasama
ngunit kahit kailangan

hindi mag-iisa
ang langit at lupa

1 Comments:

At 2:04 AM , Anonymous Anonymous said...

wag qa na masaktan
mahal qa pa rin niya

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home